HAPPY PILL

"Life is like a box of chocolate, you'll never know what you'll gonna get."

Wednesday, January 11, 2012

masalama na ba talaga to?

No distance of place or lapse of time can lessen the friendship of those who are thoroughly persuaded of each other's worth.


Nakakalungkot isipin na kung kelan nakahanap na ako ng mga matatawag kong kaibigan at kasangga dito sa mainit na disyerto ay saka naman nila kami bubuwagin at paghihiwahiwalayin. Nakakainis talaga ang sistemang pinapairal ng ilang tao sa paligid namin. Ayoko mang isipin pero ginagawa na nilang hobby na maglipat ng mga tao na hindi nila kasundo. Kawawa naman ang aking mga friendly kabayan nurses at kaberks, lipat bahay na naman ang drama nila. Ang mahirap pa nito hindi ko alam kung kasama din ba ako sa lipat bahay na ito o ako na lang ang maiiwan sa mumunting ospital ng dhamad.
Pero sabi nga nila, "we only part to meet again". At sa bawat pintong nagsasara mas malaking bintana ang bubukas para sa mas magandang pagkakataon. Ako ba? May bintana pa kayang bubukas sa akin pag nagsara na ang pintuan ng disyerto? Think positive, ika nga ng mga kaberks.
Sana kung matuloy man ang napipintong lipat bahay ng mga tao sa ospital, sana mas maayos pa ang mapuntahan namin. At sana sumaya na ang  mga maiiwanan namin na mga tao dahil mawawala na sa paningin nila ang mga Ilocanang magaganda at matatalino, hehe! (pagbagyan na ang mga palalayasin, lol!)


eat, work, sleep



Ang buhay sa disyerto ng isang OFW na babae ay nahahati lamang sa 3 bahagi...kumain, magtrabaho at matulog. Sa lugar kung saan hindi basta nakakalabas ang mga babaeng tulad ko ng basta basta ano pa nga ba ang pinaka mainam na gawin maliban sa tatlong nabangkit ko. Nakakasawa, nakakabagot at walang kamatayang homesick ang mararamdaman m sa ganitong klaseng buhay...napaka "redundant" kung iisipin.

Sa isang gaya ko na sanay gumala, sanay na hindi hinihigpitan sa bawat paglabas labas ng bahay mahirap ito. Kalayaan, isa din ito sa pinagkakait sa mga kababaihan dito sa parte ng disyerto na kinatatayuan ko. Ultimo paglabas mo lang ng flat kailangan naka "abaya" ka, isang itim na damit na takip ang buo mong katawan, mula leeg hanggang sa kadulo duluhan ng iyong sakong. Hindi ka pwedeng basta na lang rumampa sa mga pasilyo ng flat, umakyat baba sa mga palapag ng hindi ka naka abaya, kung hindi ikaw din ang kawawa. Isipin m na lang na nakashorts ka at nangapit flat ka at bigla kang nakasalubong ng lalake sa pasilyo...sge nga,ano ang gagawin mo?  Ewan ko lang kung hindi ka magtatakbo pabalik sa pinanggalingan mo. Isang bagay yan na dapat mo alalahanin. Dapat lagi mong pangalagaan ang legs mo (hehehe!), at ang reputasyon mo, kung ayaw mo na pagnasaan ka ng hostel director o ng Hospital Director pag nasalubong mo sya sa hostel building.


Kumain....
      Kung bored ka at mahilig ka mag eksperimento sa kusina, match tayong dalawa. Ito ang isa sa mga hilig kong libangan dito sa disyerto. Hindi ako magaling magluto, pero magaling akong maghalo halo ng kung ano anong mga sahog para lutuin at lafangin. Sa inaraw araw na pagpagluluto ko, namaster ko na yata ang pag bake ng ibat ibang klase ng manok, ang pagluto ng ibat ibang lasa ng beef steak at pagprito ng isda sa ibat ibang spices. Nakakaaliw na natuto din akong magbake ng iba't ibang cakes dahil na rin sa dami ng supply nmn na asukal, gatas at murang harina dito. Kaya pag uwi ko at ng iba ko pang mga kasama dito, pwede na siguro kaming magsosyo sa isang resto-bakery, db ang taray!

Magtrabaho....
       Matapos mo pagsawaan ang mga amoy ng sunog na cakes sa kusina, trabaho na ulit. Sa inaraw araw na pagpunta mo ng ospital eto ang laging eksena...mga pasyente papacheck up...kung si baba (papa) may sakit kasama na sa check up si mama at pati mga bitbit na  busura (mga anakis) ipapacheck up na din. At magsasawa ka na araw araw mong kaharap ay mga reklamo lng sa sipon, sakit ng ulo at balakang, pati nga dysmenorrhea na susme naman, kahit sa bahay lng kaya mo namang gamutin mag isa. Yan yata kasi ang kulang sa parteng ito ng mundo, they lack health education. Kung sa pinas lng siguro ang simpleng sakit ng ulo ay alam na ni manong neybor na biogesic lang katapat nyan, naku dito iba. Dapat si friendly Doctor pa ang magsabi ng iinumin nila...susko naman, mahabaging Lord! At ewan ko ba bakit parang parte na ng check up satisfaction rating nila na dapat may maiturok sa kanila para masabi nila na ginamot sila ng ospital na ito. Sa parte ko na durugista, este Pharmacist pala, (hehehe!) dapat maibigay ko lahat ng gamot na kailangan nila, kung hindi lagot ka. Madami, lalo na ung mga feeling eh masisindak  nila ako sa taas ng boses nila ang magpipilit na magbigay ako ng gamot. Buti nlang natuto na din akong makipagsagutan at makipagpilitan ng nalalaman ko....wala nang lusot sa akin ang mga addict sa voltaren at paracetamol, hehe! Ang pinaka aliw na parte, pag me ayaw ako o me bastos na pasyente, sabihin ko lng kay friendly kabayan nurse na bastos si mr/ms. saudi at sya na ang bahala sa mahabang karayom panturok...hehhe! lagot ka ngayon! akala mo nakalusot ka na ginawa mo sa akin, pwes humanda ka kay friendly kabayan nurse, sya ang gaganti para sa akin. Kidding aside,  masaya ang buhay ko sa trabaho, walang masyadong hassle, mababait ang mga kasama ko, maayos ang working schedule ko . Marahil na rin dahil maayos din naman akong katrabaho kaya ganun.

Matulog...
      Kailangan ko pa bang ipagsigawan na ito na ang pinaka nakakaumay na pwede mong gawin sa disyerto? Iniiwasan ko na ma addict sa ganitong bisyo, hehehe! bisyo na pala ngayn ang pagtulog. Kung dati kada tawag ng aking munting kama ay bibigay na ako ngayon nilalabanan ko na, ang hirap din pala ng busog sa tulog, nakakastress din pala ung laging kama m nlng ang kapiling mo, hehehe!

Ilan lang ito sa mga nararanasan ko dito sa disyerto, minsan nakakaaliw, minsan nakakabaliw.
Hindi bale, ilang tulog nalng sahuran na naman... ang pinaka paborito kong araw sa buong bwan.
Next blog ko nmn ang buhay ng isang shoppaholic sa disyerto ang ibabahagi.


hakuna matata!