HAPPY PILL

"Life is like a box of chocolate, you'll never know what you'll gonna get."

Friday, February 08, 2013

Paranoia

Gising pa ang buong kabahayan ng mga Damadi kaya eto ako ipagpapatuloy ko ang pagtipa at pagbuo ng aking ikalawang blog sa araw na ito. Hindi lang kasi ako ang may problema sa pagtulog, halos lahat na yata kami ay may ganitong problema sa inaraw araw. Kaya naman para masulit ang aking pagpupuyat mas mabuti nalang  na ibaling ko sa pagbuo ng sentimyento ko sa araw na ito at nang madagdagan na naman ang  laman ng aking talahuluganan (malalim ba masyado? diary lang yan, hahaha!) 

Habang abala ang mga Damadi girls sa pagluluto ng pancake, 2:30 ng madaling araw yan ha! Ako naman ay nakaupo sa aking mumunting kama at abala sa pagbuo ng isusulat ko. 

Ano nga ba ang aking paksa na naman? 

Katatapos ko pala basahin ang blog ng isang pinoy blogger na nasa Lion City ( my fave city in the whole world!!!). Napag alaman ko sa kanyang blog na sa kanyang pagrerenew ng working pass nya nagkaproblema at na downgrade daw sya, pero ang mas masaklap pa bigla nalang sya binitawan ng kumpanya nya kaya ngayon ay isa syang jobless na mamayang Pilipino sa bayan ng chicken rice. 

OMG! Bigla tuloy ako napaisip sa aking balak na paglipat sa Merlion capital. Makakahanap kaya ako ng trabaho? Ano kaya ang magiging kapalaran ko sa aking pagsabak sa pulitika? Joke! what i mean is, makakahanap kaya ako ng trabaho kung sakali man na ako'y magtangkang makipagsapalaran?

Ayoko magpaka nega kasi andyan naman ang aking pinakamamahal na handang sumuporta sa akin sa aking paglipat. Pero bigla lang kasi ako napaisip habang binabasa ko ang blog na yun. "what if" .

Gaya nga ng sagot ni Sophie sa sulat ni Claire

Dear Claire, "What" and "If" are two words as non-threatening as words can be. But put them together side-by-side and they have the power to haunt you for the rest of your life: What if? What if? What if? I don't know how your story ended but if what you felt then was true love, then it's never too late. If it was true then, why wouldn't it be true now? You need only the courage to follow your heart. I don't know what a love like Juliet's feels like - love to leave loved ones for, love to cross oceans for but I'd like to believe if I ever were to feel it, that I will have the courage to seize it. And, Claire, if you didn't, I hope one day that you will. All my love, Juliet 


Hindi nga ba tama naman si Sophie sa kanyang sulat? Kailangan lang na magkaroon ng lakas ng loob para sundan ang ninanais ng iyong puso. Dahil kung gusto may paraan kung ayaw madaming dahilan. 



No comments: